Get a site

MANILA, Philippines – We have posted our own Open Letter regarding Taxi vs Uber – An everyday commuter’s responseand now a lot of netizens are expressing their thoughts by creating their own Open Letter addressed to the LTFRB officials.

An OPEN LETTER to LTFRB.

Ako po ay isang normal na mamamayan ng Pilipinas. Nagtatrabaho araw araw at nag babayad ng tamang buwis. Araw araw din ho akong bumabyahe gamit ang mga bulok nating jeep, bus, siraing lrt at mrt at mga taxi na akala mo ginto kung maningil. Nasasayang ang oras ko sa sobrang tagal ng byahe, na dapat ay kasama ko na ang pamilya ko at nakakapag pahinga na ko sa bahay. Pero syempre hindi nyo yun dinadanas dahil ang sarap ng buhay ninyo sa loob ng kumportable nyong mga kotse, na madalas di nakakaramdam ng traffic dahil may mga pribelehiyo kayong mag beating the red light kasi myembro kayo ng gobyerno.

Ngayong naglabasan ang mga sasakyang galing Uber at Grab, ang saya naming mga normal na mamamayan. Nakakaranas kaming makasakay sa mga mamahaling sasakyan. Makipag ugnayan sa mga mababait na driver na minsan mas mabango pa kesa saamin. Pero kayo, hindi kayo natuwa sa kasiyahan ng mga munting mamamayang Pilipino. Kasi mga mukha kayong pera. Kailangan daw maayos lahat, kailangan ganito, kailangan ganyan. Ang dami nyong gusto. Samantalang yung trabaho nyo, na hulihin ang mga kolorum,ang bawasan ang mga smoke belchers at bawas bawasan ang mga jeep na bigla nalang humihinto sa gitna ng kalsada kasama ng mga bulok taxi, hindi nyo magawa. At bakit? Dahil hindi kayo magkakapera sakanila.

LTFRB, sana wag kayong maging sakim. Sana wag kayong kupal. Kung talagang kapakanan ng sambayanan ang iniisip nyo, gawan nyo muna ng paraan ang mga problemang matagal ng namamalagi sa Pilipinas, at hindi yung mga bagay na maayos at alam nyong magkakapera kayo. May kasabihan nga naman tayo, what comes around goes around. Kaya kung wala kayong balak mag bago, karma nalang ang bahala sainyo.

– from a normal commuter of the Philippines

kk

[OPEN LETTER] : Netizen Shares His Open Letter To The LTFRB
Tagged on:             

Social Media

RSS
Facebook
Facebook
INSTAGRAM
YOUTUBE
Pinterest
Pinterest
Google+
Google+
http://worldviral.altervista.org/open-letter-netizen-shares-his-open-letter-to-the-ltfrb/
Follow by Email